Umabot na sa 116 na tauhan ng Office of Civil Defense (OCD) ang nagpositibo sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test, kabilang na si Administrator Undersecretary Ricardo Jalad.

Paliwanag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, kasalukuyang may mild symptoms si Jalad at naka-isolate na, gayunman, baunado na ito at maayos naman ang kalagayan.

Hinihintay pa rin ng OCD ang resulta ng mga pagsusuri sa 85 mula sa 214 nilang tauhan na sumailalim sa pagsusuri.

Dahil dito, sinabi ni Timbal na pansamantalang isasara ang OCD Central Office hanggang Agosto30 para isailalim sa disinfection.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Paglilinaw pa ng OCD, tuloy pa rin ang kanilang serbisyo ng OCD sa pamamagitan ng online channels at mga empleyado na naka-work from home.

Beth Camia