Jakarta, Indonesia - Sumabog ang pinaka-aktibong Mount Merapi na nasa pagitan ng Central Java at Yogyagarta, nitong Lunes, Agosto 16.
Nagbuga ng makapal na abo ang bulkan na may taas na 3.5 na kilometro at bumalot sa mga komunidad.
Binalaan naman ng pamahalaan ang mga residente na iwasang lumapit o pumasok sa loob ng ipinaiiral na 5-kilometer radius permanent danger zone dahil sa panganib nito.
“Residents should avoid volcanic ash and they’ve been warned about potential lava flows in the area surrounding Merapi,”ayon sa geological agency ng Indonesia.
Noong 2010, aabot sa 300 katao ang namatay nang sumabog ang nasabi ring bulkan. Inilikas din ang 280,000 residente bunsod ng pagsabog.
Agence-France-Presse