Nanawagan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila na magpasa ng ordinansang magpaparusa sa sinumang gagamit ng COVID-19 vaccines bilang booster shots.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ipinagbabawal pa rin ang booster shots sa alinsunod sa Emergency Use Authorization (EUA) na nilabas ng Food and Drug Administration (FDA) para sa COVID-19 vaccines.

“All individuals such as, but not limited to vaccinators, vaccinees, and facilitators who are found to be responsible for such act should be held accountable, based on existing laws, ordinances, rules and regulations,” sabi nito.

Sa MMDA Resolution No 21-18, binanggit na hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang booster shots dahil na rin sa kakulangan ng suplay at ebidensiya ng siyensa na kailangan ito laban sa coronavirus.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hinikayat din ni Abalos ang mga LGU na gawing requirement ang paghaharap ng vaccination form, patunay na hindi pa fully-vaccinated ang isang indibidwal.

Inaprubahan ng lahat ng alkalde ng Metro Manila ang naturang resolusyon nitong Agosto 13.

Betheena Unite