Kulang ng ‘consistency’ ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang sugpuin ang krimen, korapsyon at iligal na droga sa bansa.

Sa panayam ng isang online news website nitong Miyerkules, Agosto 11, diretsahang binanggit ng dating Philippine National Police (PNP) chief at Senator Panfilo Lacson na “walang consistency” ang pamahalaan ni Duterte.

“Napakalinaw na walang consistency. ‘Pag kakampi, libre. ‘Pag kalaban, tutuluyan. Hindi ka magsa-succeed kapag double standard ka. There should only be one standard,” sabi ni Lacson.

Ayon kay Lacson, magtatagumpay lang ang isang liderato kung ginagawa nito ang mga binabanggit na prinsipyo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Aniya, naging halimbawa siya bilang isang lider noong siya’y hepe pa ng pulisya.

“I did that when I was the chief PNP. I led by example kasi hindi naman ako tumatanggap ng jueteng noon; hindi naman ako nagcu-cut ng procurement ng PNP,” pagmamalaki ni Lacson.

Ayon sa senador, litaw umano ang mga “inconsistencies” ng administrasyon sa mga isinagawang imbestigasyon sa Senado.

Binalikan ni Lacson ang pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulungan sa Baybay, Leyte noong Nobyermbre 2016.

Matatandaan na muli pang ibinalik ni Duterte ang 19 na pulis sa puwesto, kabilang ang dating Albuera chief na siPolice Lt. Col. Jovie Espenidonoong 2017, sa kabila ng mga kontrobersiya sa mga ito.

Kasunod namang binanggit ni Lacson ang pagpasa ng Senado noong nakaraang taon ng isang resolusyong naghihimok na palitan o pababain sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III, bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

“Parang may agimat ‘di mapalit-palitan. In spite of 14 senators, the majority of the senators signing a resolution; calling for either resignation or replacement of Sec. Duque. Anong ginawa ng administrasyon? Wala. Sarado ‘yong tenga, sarado ang mata kasi malapit or for some other reasons,” paglalahad ni Lacson.

Mariing itinanggi rin ni Lacson na ‘enabler’ siya ng administrasyong Duterte sapagkat siya raw ay nakasandig sa tama.