Plano ngayon ng pamahalaan na makapagbakuna ng isang milyong indibidwalbawat araw.

Ito ang sinabi ni National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer Vince Dizon isang pulong balitaan nitong Lunes, Agosto 9.

“That’s our target, it’s morethan the 700,000. Last week, we administered 710,000 COVID-19 shots, our new daily high and I urge everyone to cooperate and help us reach this target,” sabi nito.

“This is really a race against variants, but again our biggest challenge is still supply. This is a challenge not only in the Philippines but in the whole world. Especially the countries that do not manufacture their own vaccines,” dagdag pa ni Dizon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa datos ng Department of Health (DOH nitong Agosto 8, mahigit 13 milyong indibidwal na ang nakatatanggap ng kanilang first dose habang 11.3 milyon na ang fully vaccinated.

Nauna nang binanggit ng kalihim ng NTF na si Carlito Galvez Jr., na inaasahang hindi bababa sa 22.7 milyon doses ang maituturok ngayong Agosto.

Gabriela Baron