Kinakiligan ng netizens ang wedding proposal ng singer na si Daryl Ong sa kanyang longtime girlfriend na si Dea Formilleza, na ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram posts.

"5 years in the making, kung kasama pagiging magkaibigan almost 10 years. Hindi ko na ikukuwento or ipapaliwanag pa nang pagkahaba-haba kung bakit ko siya niyaya magpakasal, ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinakamatalik na kaibigan," post ni Daryl sa kanyang IG account.

Si Dea ay dating Kapuso talent, na sumali sa Idol Philippines ng ABS-CBN noong 2019. Pumasa naman siya sa audition pero maaga siyang na-eliminate.

Super happy si Daryl dahil sa wakas, pumayag si Dea na sila ang maging magkasama hanggang sa huli.

Tsika at Intriga

Xian Lim, Iris Lee binabantaan daw ng fans ni Kim Chiu?

Samantala, happy rin si Dea dahil sa wakas ay makakasama na niya habambuhay ang "love of her life."

"It’s been a week since we got 'officially' engaged. I still get very excited pag naiisip ko na I’m finally marrying the love of my life. Prayed so hard for this!" say pa sa caption ng IG post ni Dea.

Dagdag pa niya, "Thank you, my love, for making me the happiest. I can’t wait to spend forever with you. You are my dream come true."

Congrats, Daryl and Dea!