Hindi hihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na senador at boksingerong si Manny Pacquiao kaugnay ng pinakahuling pagbatikos nito sa nasabing dating kaalyado nito sa politika.

Pagtatanggol niPresidential spokesman Harry Roque, bahagi lamang ng freedom of speech ang mga komento ng Pangulo laban sa senador

"Wala pong dahilan para mag-apologize.Lahat po ‘yan ay kabahagi ng free market place of ideas," paglalahad ni Roque nang dumalo sa pulong balitaan nitong Miyerkules, Hulyo 21.

Inilabas ni Roque ang reaksyon bilang tugon sa pahayag ni Bacolod Rep. Monico Puentevella na dapat ay humingi ng paumanhin ang Pangulo dahil sa nakasasakit na pahayag nito laban kay Pacquiao.Si Puentevella ay kilalang kaibigan ni Pacquiao.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

“I expect even if you’re a president, for a senator na minura mo at least you owe him an apology. Kung hindi ka mag-apologize kay senator, ito ay magtatapos sa dulo sa eleksyon, sa susunod na eleksyon," sabi ni Puenevella nitong Miyerkules.

Sinabi rin ni Puentevella na posibleng magwawakas na ang alyansa ng dalawa na parehong magkasama sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP)-Laban kung hindi hihingi ng paumanhin ang Pangulo.

“Unless he will apologize, this is over. The bottom line here is Sara Duterte vs Manny Pacquiao. The best fight for 2022 in the Philippines,” pahayag pa ni Puentevella.

Matatandaang nag-ugat ang alitan nina Duterte at Pacquiao nang batikusin ng huli ang kasalukuyang administrasyon sa kawalan ng aksyon sa pagtatanggol sa West Philippine Sea mula sa pang-aagaw ng China.

Gumanti rin si Duterte at minaliit ang kakayahan ni Pacquiao na sinabihang dapat na mag-aral muna ng foreign policy. Lalo pang nagalit ang Pangulo nang isapubliko ni Pacquiao na mas lumala ang korapsyon sa Duterte administration.

Genalyn Kabiling