TABUK CITY, Kalinga – Siyam na taniman ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱36.7 milyon ang sinunog ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Tinglayan, Kalinga, nitong Martes, Hulyo 20.
Inihayag ni Kalinga Police Provincial Director Davy Limmong, magkasabay na sinalakay ng mga tauhan ng Tinglayan Municipal Police, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Lubuagan Municipal Police, Pasil Municipal Police, Pinukpuk Municipal Police, Balbalan Municipal Police,at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga, ang siyam na plantasyon ng marijuana sa Brgy. Loccong at Brgy. Butbut Proper noong Hulyo 20.
Sa Brgy. Loccong, tatlong malalaking plantation site ang nadiskubre na nagkakahalaga ng₱21,500,000.00.
Nadiskubre naman sa Brgy. Butbut Proper ang ₱15,200,000 na halaga ng 76,000 fully grown marijuana plants.
Idinagdag pa ni Limmong na sabay-sabay na sinunog ang mga tanim na marijuana upang hindi na makinabangan.
Zaldy Comanda