Nakapagtala na ang Taguig City ng unang kaso ng Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant.
Sinabi niClarence Santos, hepe ng Taguig Safe City Task Force, ang unang kaso ng nasabing variant sa lungsod ay kinumpirma ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU).
Sa rekord ng CEDSU, aabot na sa 73 kaso ng COVID-19 variants ang naitala sa siyudad, kabilang ang isang Delta variant, 26 Alpha variants, kabilang ang dalawang kaso nito na nadiskubre sa pagitan ng Hunyo 3 at 7; 46 na Beta variants, kabilang ang tatlong kaso nito na huling nitong Hunyo 4 at 5.
Matatandaang isinapubliko ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Biyernes na aabot na sa 16 ang bagong kaso ng Delta variant sa Pilipinas, kabilang ang 11 local cases nito.
Jonathan Hicap