Apat na tao ang napaulat na binaril sa labas ng isang stadium, na puno ng mga manonood, sa capital ng US sa Washington nitong Linggo, dahilan upang itigil ang laro habang nagkakagulo ang mga tao palabas ng lugar.
Ayon sa pulisya, apat na tao ang nabaril bagamat “there was no ongoing threat,” na hindi ibinigay ang detalye ng kondisyon ng mga biktima.
Ayon sa AFP journalist na nasa lugar, ilang manonood ang nagtakbuhan palabas ng stadium matapos makarinig ng ilang putok ng baril, habang marami ang nanatili sa kanilang kinauupuan sa paghikayat ng announcer.
Malinaw na maririnig ang putok ng automatic gunfire mula sa footage ng laro na naka-post sa social media.
Sa pagbabahagi ng The Washington Post mula sa pahayag ng pulisya, dalawa ang nagtamo ng sugat, isang lalaki ang nabaril sa binti habang isang babae ang tinamaan ng bala sa likod.
Hindi pa matukoy ang kalagayan ng dalawa pang biktima.
Agad namang kinurdonan ang Third Base Gate kung saan naganap ang pamamaril.
Ilang minute matapos ang insidente, nag-tweet ang Washington Nationals official na "a shooting has been reported outside of the Third Base Gate at Nationals Park" at hinikayat ang mga fans na lumabas sa ballpark.
Dahil naman sa pamamaril agad na itinigil ang laro.
Hindi naman nab ago ang kaso ng gun violence sa Amerika, na kilala sa insidente ng mass shooting.