Naglabas na ang Toll Regulatory Board (TRB) ng approved toll rates nasisingilinpara sa paggamit ng Skyway Stage 3 elevated expressway.
Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpus, simula sa Hulyo 12, ang SMC Infrastructure ay magsisimula nang mangolekta ng toll na P264 mula Buendia hanggang Balintawak.
Nasa P105 naman ang sisingilin nito mula sa Buendia hanggang Sta. Mesa; P30 mula Sta. Mesa hanggang Ramon Magsaysay at P129 mula Ramon Magsaysay hanggang Balintawak.
Mary Ann Santiago