Puno ng pasasalamat ang aktres na si Janella Salvador para sa actor-athlete na si Markus Paterson, ang kanyang partner at ama ng kanilang anak na si Jude.

Sa Instagram, inalala ni Janella ang panahong isang linggo pa lamang mula ng ipanganak si Jude noong Oktubre last year ay kinailangang lumipad pauwi ng Pilipinas ni Markus para sa shooting ng pelikula.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“We brought you to the airport and as soon as we arrived, I saw the extreme sadness in your eyes. I actually cried during the car ride home without you. It felt surreal, you having to leave your son right after he was born. But you did it for him. You always do,” share ni Janella sa IG post.

Sinundan niya ito ng pasasalamat kay Markus, for being “the most amazing, hard-working, present and hands-on father” kay Jude.

Markus at Baby Jude

“I couldn’t be more thankful that I’m going through this crazy parenthood chapter of life with you. Happy Father’s Day, booba-boo,” aniya.

Maging ang ina ni Janella, na si Jenine Desiderio, ay hindi rin nakaligtaang batiin si Markus para sa kanyang first Father’s Day celebration.

Nagpadala pa ito ng cake at cupcakes.

Si Markus naman, ay nag-upload ng larawan nila ni Jude kasama ang caption na: “FIRST DAD DAY EVER.”

Ibinahagi rin niya ang doodled message na gawa ng kapatid ni Janella, na si Russell.

“Happy Father’s Day Kuya Markus!!! From Russel and Mama.”