Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng ang katigasan ng ulo ang nagiging dahilan kung bakit may mga hindi nakakakumpleto ng bakuna.

Ayon sa Chief Executive, hindi naman mahirap kung tutuusin para bumalik sa ikalawang dose ng bakuna pero mayroon lang talaga, aniyang, matitigas ang ulo.

Kaya ang nais ng Pangulo ay kumilos ang LGU para madetermina ang rason ng hindi pagbabalik ng ilan para sa kanilang second dose at hikayatin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang subject para kumpletuhin ang pagtuturok ng bakuna.

"Napakahalaga na maibigay ang second dose para makamit ang full protection," giit ng Pangulo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ipinaalala ng Pangulo sa pubilko na hindi pa rin protektado ang nagkamit lamang ng isang dose na bakuna.

Beth Camia