Hindi bababa sa 25 katao ang namatay matapos makainom ng nakalalasong alcohol sa northern India.
Inaresto na ng pulisya ang 10 lalaki para sa pagbebenta ng alak sa Uttar Pradesh, ang pinakamataong estado sa India.
“So far 25 persons have died and a few others are admitted in the hospital and are undergoing treatment. Ten persons have been arrested,” pagbabahagi ni Ajab Singh, police spokesperson, sa AFP.
Ayon sa ulat, nabili ang alak nitong Huwebes sa isang tindahan na pinatatakbo ng magkapatid.
Kabilang ang mga tindahan ng alak sa isinara sa ilalim ng coronavirus lockdown upang mapahupa ang matinding outbreak sa bansa.
Ngunit sa unti-unting pagbaba ng kaso, pinahintulutan na ng Uttar Pradesh ang pagbebenta nga lak sa ilang distrito.
Bagamat hindi pa malinaw kung paano ginawa ang alak na nakalason, daan-daang tao ang namamatay kada taon sa India dahil sa murang alak na ibinebenta mula sa mga
backstreet distilleries, na abot-kaya ng mahihirap.
Agence-France-Presse