Bumaba pa ng 23% ang average na bilang ng mga bagong COVID-19 infections na naitatala sa National Capital Region (NCR) nitong nakalipas na linggo.

Sa pinakahuling ulat ng OCTA Research Group, bumaba na sa 1,023 ang mga bagong kaso ng sakit mula Mayo 20 hanggang Mayo 26 na may average daily attack rate na 7.41.

Nauna na ring sinabi ng OCTA na ang lagay ng NCR ay bumuti na at mula high-risk ay naging moderate-risk area na para sa COVID-19.

Samantala, ang positivity rate sa rehiyon ay nabawasan na rin ng 10% mula Mayo 19 hanggang 25, na bahagyang mas mataas sa target na less than 5% habangang reproduction number ay naitala naman sa 0.52 na lamang.

Hontiveros, malungkot dahil kontrobersiyal ang isinusulong niyang SOGIE Bill

Pagdating naman sa healthcare utilization rate, sinabi ng OCTA na ang NCR ay nasa 42% na habang ang ICU occupancy rate ay nasa 57% naman.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng sakit ang Quezon City sa mga local government units sa buong bansa mula Mayo 20 hanggang 26, na umabot sa 250 new cases kada araw.

Sinundan ito ng Zamboanga City na may 109 new cases at Maynila na may 107 naman.

Ang San Fernando, Pampanga (34 new cases); Santa Rosa, Laguna (32 new cases), at Marikina (31 new cases) naman ang nakapagtala ng pinakamababang bilang ng mga bagong kaso ng sakit kada araw.

“While the situation in the NCR has slowed down significantly since the surge began, and continues on a downward trend, the one-week growth rate has slowed down in some LGUs within the NCR bubble,” ayon sa OCTA.

Ang Malabon at Caloocan naman ang nakapagtala ng pinakamababang average daily attack rates na 3.57 at 4.89.

Mary Ann Santiago