Bali-balita na ang talent management agency na ni Maja Salvador ang mamamahala sa nahihimbing na career ni John Lloyd Cruz.

Nitong Marso 202, itinatag ni Maja ang Crown Artist Management Inc. (CAMI) kung saan kasosyo niya ang boyfriend na si Rambo Nunez.

Kamakailan, opisyal na ring ipinakilala ang first batch ng contract talents ng ahensiya.

Kabilang dito sina Lauren Reid, hip director; Gino Santos, isang photographer; Andrei Suleik, isang hunk singer; at sina Jario Base, Yanee Alvarez. Island boy Guel Espina, Patty Ang at Jessie Salvador.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Halos dalawang dekadang namalagi sa poder ng Star Magic si Maja hanggang sa nilisan ito nang nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ito na rin ang nagbunsod kay sa aktres na magtayo ng talent management.

Sino kaya sa mga baguhang talents ang sisikat sa ilalim ng CAMI?

At matuloy kaya ang pagpasok ni Lloydie sa agency? Abangan natin ‘yan.

Remy Umerez