Tila patama sa bashers ang post kamakailan ni Derek Ramsay.

Ito ay matapos i-share ni Derek ang isang art card na may quote mula kay philosopher Marcus Aurelius sa Instagram.

Sa post mababasa ang: “The opinion of 10,000 men is of no value if none of them know anything about the subject.”

Marami ang naniniwala na patama ang post sa kanyang mga bashers na patuloy umaatake sa kanya sa online.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Napuno naman ang comment section ng mga suporta, na sumasang-ayon sa quote.

“The way PEOPLE treat you is a statement of who they are as a human being. It’s not a statement of you!” komento ng isang follower.

Dagdag pa ng isa: “I agree and as we get older..others opinion doesn’t matter anymore. As long as we are happy..”

Payo naman ng ilan, hayaan na lamang ang kanyang mga bashers at gantihan na lamang ito ng kabutihan.

“Agree. I just learned how to love myself more and delete toxic people in my life. And learned how to click the block button,” tugon pa ng isang user.

“Truth!! As long as you know you’re a good person that’s all that matters, honestly.”

Matatandaang nitong nagdaang mga araw ay nag-trend online ang pahayag ni Derek. Dito ipinaliwanag ng aktor kung bakit niya tinutugon ang lahat ng mga katanungan hinggil sa kanyang ex-gf, ang Kapuso actress nasi Andrea Torres.

Bago ito, sinabi ng aktres sa isang panayam na umaasa siyang hindi na madamay sa anumang isyu kay Derek.

Samantala, ipinagdiwang naman kamakailan ni Derek ang third month-sary sa fiancee nito, na si Ellen Adarna.

Stephanie Bernardino