April 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Education crisis malaley!’ Macoy Dubs, dismayado rin sa naging sagot ng Laro Laro Pick player

‘Education crisis malaley!’ Macoy Dubs, dismayado rin sa naging sagot ng Laro Laro Pick player
Photo courtesy: Macoy Dubs (FB),Vice Ganda (FB screenshot)

Hindi rin naitago ng social media content creator na si Mark Averilla o kilala rin bilang “Macoy Dubs” ang kaniyang pagkadismaya sa naging sagot ng  isang kabataang It’s Showtime player nang pinahulaan rito ang Malacañang Palace bilang parte ng "Laro Laro Pick" segment nito. 

Matatandaang nasermunan din ni It’s Showtime host Vice Ganda ang nasabing contestant matapos nitong hindi makilala ang Malacañang Palace sa litrato bilang parte ng elimination round sa "Laro Laro Pick” segment ng noontime show.

“Hayun, Malacañang, Rein. Okay? Malacañang 'yan ha? Huwag puro blush on saka highlighter sa TikTok ha?" sermon ni Vice sa contestant. 

MAKI-BALITA: Nasermunan tuloy ni Vice Ganda! Laro Laro Pick player sa It's Showtime, hindi alam ang Malacañang

Kaya sa kasalukuyang viral post ni Macoy sa kaniyang social media, hindi niya naiwasang magpatutsada sa naging sagot ng player. 

Tsika at Intriga

Sey mo Dominic? Selfie nina Rico, Sue minalisya!

“Mga sis ito po ang Malacañan Palace. Tinayo iterlz noong 1750,” ani Macoy sa nasabing post. 

“To make it simple, yes dito po namamalagi ang Pangulo ng Pilipinas. Hindi po ito munisipyo. Education crisis malaley,” dagdag pa niya. 

Idinugtong pa niya sa comment section na bagama’t dogshow ang karamihan sa social media, mahalaga pa ring sineseryoso ang mga ganitong educational at seryosong paksa. 

“Yes Dogshow tayo minsan pero pag mga ganiterlz na topic wiz tayong Dogshow anez,” ani Macoy. 

Tila maraming netizens naman ang nag-agree sa kaniyang post at marami ang nagsabi na pati sila ay na-stress sa naging sagot ng contestant. 

“at happy pa sya elementary pa lang tinuturo na yan.” 

“Napa-iling na lang ako kay ateng! Tsk tsk tsk…”

“Malabon po yan hindi Malacañang!”

“Pinaghandaan yung make-up, yung tanong hindi.”

“Nainis lang din ako, ma.”

“Di sya nakakatawa. Nakakapanliit.”

Habang ang ilan naman ay naglabas ng sarili nilang suhestiyon para matugunan ang umano’y “education crisis.” 

“Sa true! Malaley ang education nowadays. Kaya turuan natin sa bahay ang mga bata. Wag puro scroll at make up tutorials!”

“More library to build for the young generation rather than basketball tournaments!! Hear us out pilipinas.”