Unworthy of love? Ito ang tema ng bagong single ni Jake Zyrus under ABS-CBN Music International na may titulong Fix Me.
Nangibabaw ang rich tone ng boses ni Jake sa kanyang pop/R&B single, na naglalarawan sa isang lalaki na nahihirapang tanggapin ang pag-ibig dahil sa paniniwala na deserve ng kanyang minamahal ang “someone better.” Bagamat tinatalakay ng kanta ang mga isyu tulad ng self-deprecation at depression, nagsisilbing paalala rin ang kanta sa lahat na ang bawat isa ay karapat-dapat na mahalin sa kabila ng mga pagkukulang.
Ang “Fix Me” ay written and composed by Grammy-winning composer Kenneth Mackey, Swedish singer-songwriter Andreas Moss, at American record producer Joshua Bronleewe.
Produce naman ang kanta ni Fil-Am music director Troy Laureta—na na-collaborate kamakailan ni Jake para sa track na Usahay sa KAIBIGAN: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 1—katuwang ang ABS-CBN Music International, na nagsusulong ng Filipino artistry sa global spotlight.
Una nang inilabas ni Jake ang isa ring meaningful song, ang Love Even If sa pagdiriwang ng Pride Month nitong nakaraang taon, na nagsusulong ng pananaig ng pag-ibig sa kabila ng mga pasakit sa mundo. Sinundan niya ito ng jazz-pop single na Miss You in the Moonlight.