ni ZALDY COMANDA

FORT DEL PILAR, Baguio City – Pinangunahan ng kadete mula San Enrique, Negros Occidental, ang may kabuuang 164 Top Performing Cadets ng Philippine Military Academy "Masaligan" (Mandirigmang Samahan ng Lakas at Sandigan ng Bayan) Class of 2021.

Ang PMA “Masaligan” Class of 2021 ay kinabibilangan ng 138 lalaki at 26 babae.

Sa kabuuang bilang, 82 ay aanib sa Army, 46 sa Midshipmen (PN) at 36 sa Aero Cadets (PAF), bilang mga Lieutenants/Ensigns, matapos ang kanilang graduation sa Mayo 10.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Cadet First Class John Artus, 25, ng San Enrique ,Negros Occidental, ay tatanggap ng Presidential Saber Award bilang top in Military Precedence List, na aanib sa Philippine Navy.

Ang iba pang major award na tatangapin ni Artus ay Philippine Navy Saber Award, Australian Saber Award, Spanish Armed Forces Award, The Gen Antonio Luna Award, Academic Group Award at Jusmag Award.