ni TARA YAP
ILOILO CITY – Humihingi ngayon ng hustisya ang isang grupo ng mga mamamahayag kaugnay ng pagkakapaslang sa isang dating mamamahayag na municipal administrator ng Pilar sa Capiz, nitong Linggo.
“We call for a thorough investigation and a swift resolution of the case,” ang pahayag ng National Union of Journalists of the Philippine (NUJP).
Naiulat ng mga awtoridad na bigla na lamang pinagbabaril ng riding in-tandem si John Heredia, 54, na kaagad na binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
“While Heredia was no longer in media when he was killed, his death is a symptom of the culture of impunity in the Philippines,” sabi pa ng NUJP na nagsabing nangyari ang insidente bago pa maipagdiwang ang World Press Freedom Day.