Ni Edwin Rollon

KUNG may pagkakatulad ang mga team owners sa Viyasas leg ng VisMin Philippine Super Cup ---- ito’y ang pagmamahal sa sports, malasakit sa mga kababayan at pagiging millennial.

At sa tatlong katangiang taglay, walang dahilan para hindi magtagumpay ang liga sa kabila ng samu’t saring negatibong isyu na nalikha ng kontrobersyal na laro sa pagitan ng Siquijor Mystique at ARQ Builders-Lapu-Lapu City Heroes, kabilang na ang kredibilidad ng mga team owners.

Nagkakaisa ang mga team owners na lubhang nakaapekto hindi lamang sa kanila bagkus sa mga players ang mga isyu, ngunit iwinaksi nila ito para magpatuloy na maabot ng liga ang misyon na makatulong sa maraming kabataan na maabot ang kanilang minimithing pangarap.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Actually, I was not offended with the issues questioning our credibility as team owners. But you are free to check our credentials and back ground. Don’t discriminate our young age having a team in the league, We’re on different era, a new world. Millennials are multi-tasking and we’re here for a long hold as to speak,” pahayag ni Tubigon Bohol team owner Gail Jao sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ on Air ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes via Zoom at livestreaming sa Facebook at YouTube.

“I’m a lady on my own, earning my own money and old enough to understand things. It’s our new generation time, new breed to take over. But on the issue of game-fixing, actually mas nag-alala ako sa mga players ko dahil grabe yung sakripisyo nila. Iniwan nila mga pamilya just to play in this bubble,” sambit ni Jao.

Ayon kay Jao, kaagad siyang sumailaim sa mandatory quarantine sa Alcantara, Cebu para personal na makasama ang mga players at mabigyan ng morale support. “I called their attention at sinabi ko sa kanila na huwag magpaapekto, hindi ito biruan and they all professional to handle things,” aniya.

Iginiit naman ni Ricky Verdida, team owner ng KCS Mandaue City, na sampal sa liga ang isyu ng game-fixing, ngunit ang mga pagbabago at programa na ginawa ng league management ay sapat na para mapanatili ang integridad ng liga.

“Ako naman talagang binibigyan ko ng emphasis ang credibility at integrity, ‘yan ang sinasabi ko sa players, kaya kahit hirap kami financially, yung respect sa game kailangan priority,” sambit ni Verdida na inaming kinailangang maiprenda ang ilang mga kagamitan para maibigay ang suweldo ng mga players.

“Hirap kami financially, aminin ko yan, pero ang mga players ko hindi mawawala ang respect sa laro at integrity nila,” aniya sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB)

Ibinida naman nina Dumaguete City Warriors team owner Ken Ancis at Dandy Ferenal ng Tabongon Voyagers, na galing sa sarili nilang pagsisikap ang pondo na ginagamit nila para masustinihan ang pangangailangan ng kanilang mga koponan.

“Bata pa kasi ako pangarap ko nang maglaro ng basketball, hindi natupad kaya nang maging successful ako sa pagiging chef sa US at sa bitcoin currency business, itinuloy ko yung ginagawa ng tatay ko na magbuo ng team, just to continue my passion in sports and makatulong sa mga players na gustong maging pro,” pahayag ni Ancis

“Tingin ng lahat yung mga team owners yung lang mahihilig sa sports, on my part gusto kong maexplore yung ibang marketing plan and strategy and VisMin Cup is a good avenue as a new way to introduce new product and marketing promotions,” pahayag ni Ferenal.

Sinabi naman ni VisMin Cup Chief Executive Officer Rocky Chan na ang mga pagpapabago na ginawa nila para mas maging maasyos ang liga, sa masinsin na pakikipagtulungan ng Games and Amusements Board (GAB) matagumpay na mairaraos ang Visayas leg at umaasang mailulunsad din ang Mindanao leg.

“Right now suspended yung Mindanao leg. But with all changes na ginawa namin to avoid this isolated incident, we’re hoping and praying na mapapayagan din ang Mindanao leg. Our mission is to promote sports tourism at matulungan ang mga players na makalaro lalo’t konti lang ang liga. We want this league to succeed. This season alone, almost 600 individual po ang nabigyan natin ng trabaho dito,” pahayag ni Chan.