ni FER TABOY

Ibinunyag kahapon ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na aabot ng 176 work-related attacks ang kanilang naitala laban sa mga abogado simula noong Enero 2011 hanggang Abril 22, 2021.

Batay ito sa running documentation na ipinadala ng grupo kay Chief Justice Alexander Gesmundo noong Abril 23 kaugnay ng mga pag-atake laban sa mga abogado, prosecutors at hukom.

Sa 11-year period ng naturang documentation, nabatid na noong 2019 ay naitala ang pinakamataas na bilang ng pag-atake sa mga abogado kung saan 39 ang prima facie profession o work-related attacks.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kumpara ito sa walong pag-atake na naitala noong 2016; 2017 (18); 2018 (33); 2019 (39); 2020 (31); at 18 sa unang apat na buwan ng 2021.

Ayon kay human rights lawyer Evalyn Ursua, kailangang seryosohin ng Korte Suprema ang nangyayari sa judiciary system ng bansa.

Noong Marso 23 ay kinondena ng Supreme Court ang anumang uri ng pananakot o pagpatay sa mga abogado at hukom sa bansa.

Ito ang naging reaksyon ng Mataas na Hukuman sa mga sulat at manifestations mula sa iba’t ibang sektor, partikular na sa mga partikular na sa mga lawyers’ groups, ukol sa pananakot at pagpatay sa mga abogado at hukom.

Ilan sa manifestations ay inihain ng mga abogado na nagsisilbing counsels sa 37 petisyon na humahamon sa constitutionality ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Dahil dito ay kaagad na inatasan ng SC ang lahat ng trial courts at law enforcement agencies na ayusin ang lahat ng datos patungkol sa bawat pananakot at pagpatay sa mga abogado at hukom sa nakalipas na 10 taon.

Sasailalim din ito sa deliberasyob upang bumalangkas ng patakaran sa pagsusuot ng body camera ng mga otoridad tuwing maghahain sila ng search and arrest warrants.