ni JUN FABON

Patay ang isang babaing collector nang barilin ng riding-in-tandem sa harapan ng isang convenience store sa Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Aileen Crisostomo Alarcio, 26, dalaga, at taga-No. 200 P. Dela Cruz St., San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Sa report ng pulisya, ang pamamaril ay naganap sa harapan ng nasabing establisimyento sa P. Dela Cruz St., kanto ng Magsaysay St. ,San Bartolome, dakong 3:32 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso.