Sa kabila ng hindi kanais-nais na mga pananaw, sapantaha at maaanghang na bintang na ipinupukol sa mga community pantry sa iba't ibang sulok ng kapuluan, iisa ang nakikita kong adhikain ng naturang proyekto: Tumulong at makatulong. Pagdamay sa mga nangangailangan, lalo na ngayon na marami ang naghihikahos dahil sa walang humpay na pananalasa ng nakamamatay na coronavirus.
Ang nabanggit na mga community pantry na sinasabing nagsimula sa isang lugar sa Quezon City at tinularan sa mga kalapit na komunidad ay laging dinudumog ng sambayanan; malayang makakukuha ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaakibat ito ng mensahe ng mga namamahala na malaya rin naman silang makapagbibigay ng kahit ano na pakikinabangan at kakailanganin ng iba nating mga kababayan -- give and take, wika nga.
Nakalulungkot nga lamang na ang mga ulat na ang tunay na motibo ng mga nagtataguyod ng nasabing mga community pantry ay sinuklian ng nakapanggagalaiting intensiyon: Mistulang kinukulimbat at sinisimot ng ilang sektor ang nasabing mga pantry o paminggalan; nauubusan ang mga higit na nangangailangan. Dahil dito, nalalantad ang kasakiman at pagsasamantala ng ilang grupo at nasisira ang magandang kalooban o hospitality ng ating mga kababayan -- isang kaugalian o kultura na kinikilala sa buong daigdig.
May mga sapantaha na masyadong masalimuot ang pagkakatatag ng naturang mga pantry. Sinasabi na pasimuno rito ang mga makakaliwang grupo o leftist group; mga kababayan natin na nakakiling sa Communist Party of the Philippines at New People's Army (CPP/NPA) -- isang bintang na tila itinanggi naman ng nabanggit na grupo.
May mga haka-haka rin na may kinalaman dito ang iba't ibang sekta ng pananampalataya na nagtataguyod ng mga proyektong nagkakaloob ng ayuda sa ating maralitang mga kababayan. Sa ilang simbahan, halimbawa, may mga mananampalataya na kusang-loob na nagdodonasyon ng mga pagkain at iba pang bagay na ipinamamahagi sa mga nangangailangan.
Lumutang din ang mga bintang na ang nasabing mga pantry ay ginagamit ng ilang pulitiko para sa kanilang ambisyong pampulitika, lalo na ngayong napipinto ang halalan. Nangangahulugan ba na sila ang lumilitaw na financier ng nasabing mga pantry? Ito kaya ay bahagi lamang ng mga demolition job laban sa ilang naghahanda na pumalaot sa eleksiyon?
Anuman ang bintang na ikinakapit sa mga naturang mga community pantry, marapat na panatilhin at itaguyod ang tunay na diwa ng tinatawag na give and take -- tumulong at makatulong.