ni Bath Camia
Dapat magkaroon ang Department of Health (DOH) ng guidelines sa paggamit ng AstraZeneca vaccine.
Ito ang giit ng Food and Drug Administration (FDA) matapos itong magbigay na ng go signal para gamitin ang naturang bakuna sa may edad 60-anyos pababa.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, makatutulong ang guidelines sa vaccinators lalo na sa kung paano mababantayan ng mga naturukan ang kanilang mga sarili para sa posibleng adverse reactions.
Paglilinaw ni Domingo na wala pang insidente ng blood clotting o pamumuo ng dugo matapos mabakunahan ng AstraZeneca sa bansa.