ni MARY ANN SANTIAGO

Isa pang pagamutan ang pinagkalooban ng Food and Drug Administration (FDA) ng special permit para sa compassionate use ng anti-parasitic drug na ivermectin bilang panlunas sa nakamamatay na COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, dalawang pagamutan ang naghain ng aplikasyon sa kanila at pareho nang nabigyan ang mga ito ngcompassionate special (CSP).

Gayunman, tumanggi si Domingo na tukuyin ang pangalan ng mga naturang pagamutan dahil na rin umano sa privacy concerns.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Una nang sinabi ng FDA na ang CSP ay nagpapahintulot sa legal administration ng isang gamot sa bansa ngunit nilinaw na hindi ito isang endorsement para sa kaligtasan at bisa nito.