ni Mell T. Navarro

NAGBABALIK pelikula si Cristina Gonzales sa kuwadra ng Viva Group of Companies, kung saan siya pumirma ng exclusive contract.

Fifteen years rin siyang naging public servant sa Tacbolan City, at ayon kay Kring-Kring (palayaw niya), ngayong nagpapahinga muna siya sa politics eh binalikan niya ang showbiz na first love niya.

After all, anak siya ng dating sikat na aktor na si Jose Mari Gonzales. Nakailang pelikula rin siyang nilabasan bilang leading lady ng mga sikat na aktor, at mga pinagbidahang mga pelikula.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Movie actress ang “peg” niya, kumbaga, noong 1990s na hindi pa popular ang mga teleserye.

Cristina

Nagbalik-tanaw si Cristina kung paano siya nagsimula sa industriya.

“It took a while. Noong una, wala talaga akong offers. As a singer, I had singles and long playing albums. It took years bago ako nakakuha ng lead roles sa pelikula.

“Hindi naman agad-agad ‘yun na nagbida ako o naging leading lady ako sa action films, drama, o comedy that time. Slowly, you just have to work your way up. You have to be patient.”

At nagbigay rin ng “tips” sa mga kabataang artista upang magtagal sa showbiz, dahil as they say – “Longevity is the name of the game.”

Payo ni Cristina sa younger generation of stars: “Take it easy. Be professional, be kind. It’s a job. Treat it as a work. Stay humble.

“Ang showbiz kasi, hindi naman ‘yan permanent, it’s temporary. You will age, get married. But be kind to everyone, kahit na ang crew – from waterboy to driver.

“Practice lagi. Basic yan, research ka sa work mo.

“Pero it’s more one having a good attitude sa ginagawa mo. Kasi, makikita ‘yan ng mga kasamahan mo. Sa showbiz, marami kang makakasalamuha, so pakisamahan mo sila.”

Sa pultika naman, ano’ng mga natutunan niya?

‘’‘Yung learning to deal with a lot of people, sa different personalities. Not all are kind to you.

“Pero no matter what’s happening, kahit na ano’ng problema pa ‘yan, good attitude ako eh.”

Good attitude reflects beauty rin, kumbaga,

Kaya ‘yan nga rin siguro ang “beauty secret” ng isang Cristina Gonzales, na she has aged gracefully at parang hindi tumatanda hanggang sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Welcome back, Kring-Kring!