ni Danny Estacio

Nagtatago ngayon ang dalawang miyembro ng Quick Response Team (QRT) ng Calamba City matapos mamatay ang isang lumabag sa curfew na nahuli nila, ayon sa naatalang ulat sa Police Regional Office 4A (PRO4A), dito.

Sa ulat ng Calamba City PNP, ang biktima na kinilalang si Ernanie Jimenez, ay dumanas umano ng pangmamaltrato mula sa kamay sina Arjay Abierta at Joel Ortiz, mga miyembro ng QRT ng lungsod.

Batay sa ulat dakong 11:00 ng gabi noong Abril 7, ang biktima ay hinuli ng mga suspek tungkol sa paglabag sa curfew at habang nagaganap ang pag-aresto ay nagkaroon umano ng komosyon sa kanilang pagitan.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Nagsumbong ang kapatid ng biktima na si Gledien sa pulisya noong Abril 9 na ang kanyang kapatid ay paulit-ulit na binugbog ng mga suspek sa Barangay Turbina sa Calamba City.

Habang nagaganap ang kaguluhan ay bumagsak ang biktima at dinala sa Calamba Medical Center at kalaunan ay namatay habang ginagamot dakong 11:40 ng umaga noong Abril 8.

Idinagdag din sa ulat ng pulisya na ang bangkay ng biktima na ngayon ay isinailalim sa autopsy examination habang nagsasagawa ng pagtugis laban sa mga suspek sa mga suspek.