ni Andrea Kate Aro

Nagsasagawa na ng imbestigasyon angManila Police District (MPD) kaugnay ng pagkamatay ng isa nilang pulis na naturukan ng Sinovac coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine, kamakailan.

Ayon kay MPD chief, Brig. Gen. Leo Francisco, ang pulis na si S/Sgt Senen De Los Santos Evangelista, 45, ay binawian ng buhay sa Skyline Medical Center matapos na lagnatin, ubuhin at   sipunin, nitong Abril 7 ng gabi.

“Nakakalungkot pero sa ngayon ay nagiimbestiga pa ang Health Service ng MPD kung ano ang reason ng kanyang pagkamatay,” reaksyon pa ni Francisco.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Sinabi pa ng medical staff, unang naturulan ng bakunang Sinovac ang pulis nitong Marso 31.