ni Danny Estacio
LAGUNA- Tatlong alkalde sa Laguna, na kabilang sa high risk areas ang nagpabakuna laban sa COVID-19.
SIla ay sina mayors Loreto Amante ng San Pablo City, Justin Chipeco ng Calamba City at Peter Casius Trinidad ng Pagsanjan.
Sinovac ang itinurok sa kanila kasunod ng pagbibigay ng pahintulot mula sa national Inter-Agency Task Force para sa lanilang proteksyon habang tumutupad sa tungkulin sa kanilang mga nasasakupan.
Isinabay din na mabakunahan ang mga medical at health care worker, veterinarians, tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology.
Kabilang din sa mga nabakunahan ay ang nasa lisyahan ng A3 priority group o mga indibidwal na may comorbidity sa mga luigar ng Los Banos, Pagsanjan at Binan City.
Kasabay ng kanilang panghihikayat sa kanilang mga residente na tanggapin ang anukang bakuna laban sa COVID-19 para sa kanailang proteksyon.