ni Nitz Miralles

ENGAGED na rin sina Derek Ramsay at Ellen Adarna at sa Instagram ni Ellen, nag-post ito ng photos at two words lang ang caption na “Game Over.” Inulan ng congratulatory messages ang dalawa at lahat masaya para sa engaged couple.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Sa mga larawan nina Derek at Ellen, nasa background ang “Will You Marry Me?” at may pictures pa na kasama nina Ellen at Derek ang kani-kanyang anak. Karga ni Ellen si Elias at nakaakbay si Derek sa anak na si Austin. May picture rin na ipinakita ni Ellen na suot ang engagement ring at sa isa pang litrato, makikitang umiiyak si Ellen sa tuwa.

Wala pang nababanggit kung kailan ang kasal nina Derek at Ellen na may kontra, pero mas marami ang pabor. Ang dami nga ang masaya at nagsasaya sa kanilang engagement.

Kabilang sa nag-congratulate kina Ellen at Derek ay si Ruffa Gutierrez na itinuturong cupid sa relasyon nina Ellen at Derek. Comment ni Ruffa, “Omgggg grabeeee! Congratulations!!”

Mapapahiya nito ngayon ang mga nagsabi noon na hindi magtatagal ang relasyon nina Ellen at Derek, na hindi mauuwi sa kasalan at hindi raw pakakasalan ni Derek si Ellen. Ito na ang patunay na ‘marrying kind of guy” si Derek.