Ni REMY UMEREZ
NANG pasukin ni Rhian Ramos ang showbiz ay marami ang humulang she will be a big star. Pero along the way ay nadapa siya ng ilang ulit at naapektuhang ng husto ang kanyang acting career.

Walang sinisisi si Rhian at ang nakaraan ay nakaraan at hindi na ito mababago. “Happy naman ako ngayon. I have no reason to regret kung ano man ako ngayon I was part of all the things that happened before which includes the ups and down, the good and the bad times.”
Nang dahil sa pandemic ay hindi natuloy ang balak ni Rhian na magnegosyo ng sarili niyang produkto. “When you plan something. Huwag ipagpabukas. Inabutan tuloy ako ng pandemya.”
Hinggil sa pagtatapos ng Love Of My Life taos-pusong nagpapasalamat si Rhian sa lahat ng viewers na sumubaybay sa top-rating series. Magkaroon kaya ng PART 2?