Ni NITZ MIRALLES

NABASAG ang pagka-delusional ng ilang fans nina Coco Martin at Yassi Pressman na naniwalang may relasyon ang dalawa dahil lang sweet noong nasa Ang Probinsyano pa si Yassi. Kahit naman alam nila na for reel lang ang relasyon ng dalawa, tuloy pa rin sila sa pagsi-ship at paniniwalang totohanan ang relasyon ng dalawa na gumanap na mag-asawa sa nasabing action-drama series ng ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Kaya nang makumpirma nilang si Julia Montes ang talagang pang-real ni Coco, nagalit sa kanilang dalawa ang fans nina Coco at Yassi. Grabe ang sinasabi ng mga nagalit na fans at umabot sa puntong gusto nilang may masamang mangyari kina Coco at Julia.

Nangilabot kami sa comment ng isang Coco-Yassi fan na “Malay natin mamatay c coco martin or c Julia montes” na sinundan pa ng comment ng isa na “Julia montes coco martin magkasakit yan tingnan natin.” At least ‘yung comment ng isang fan na “Di sya kawalan for yassi move na tayo mga teh! Yassi lang sapat na” ay katanggap-tanggap pa. Pero ‘yung i-wish mong magkasakit o mamatay sina Coco at Julia, sobrang foul na.

Kaya sinaway ng fans nina Coco at Julia ang mga nagalit na Coco-Yassi fans na masama ang mga sinulat nila at pwede silang kasuhan. Ang nag-trigger sa galit ng Coco-Yassi fans ay ang balitang si Julia ang kasama ni Coco sa bakasyon sa Boracay.