ni Nitz Miralles

Sino kaya kina Derek Ram­say at Ellen Adarna ang magre-react sa pahayag ni Vin Abrenica sa YouTube vlog nila ng GF na si So­phie Albert na binasted ni Sophie si Derek.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Ang sabi ni Vin, nagtanong si Derek kay Sophie kung may boyfriend ito? Sumagot daw si Sophie ng “I’m seeing some­body” na that time, boyfriend na si Vin. Ang hindi naintin­dihan ni Vin ay kung bakit hindi inamin ni Sophie na may relasyon na sila. Ang pa­liwanag ni Sophie, hindi pa nila inaamin ni Vin ang relasyon nila that time, kaya safe answer ang isinagot niya.

Anyway, proud parents na sina Vin at Sophie ng kanilang baby girl na hindi pa ina-announce ang pangalan. Hindi pa rin pino-post ng new parents ang mukha ng kanilang baby.