ni Marivic Awitan
DAHIL sa nakakaalarmang pagtaas muli ng bilang ng mga kaso ng coronavirus, nagesisyon ang pamunuan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na iurong ang kanilang training bubble para sa 31st Southeast Asian Games.
Ayon kay PATAFA president Philip Ella Juico, prayoridad nila ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga atleta kung kaya minabuti nilang iurong na lamang ang pagsisimula ng training bubble sa Mayo 15 sa New Clark City (NCC) sa Tarlac.
“We’re still notifying the government that we intend to have bubble training on 15 May,” pahayag ni Juico na sa kasalukuyang sitwasyon ay magiging delikado kung sisimulan nila ang bubble sa orihinal nitong petsa sa Abril.
Sa mga nagdaang pagdaraos ng SEAGames, ang PATAFA ang isa sa mga pinaka produktibong national sports associatìon.
Noong nakalipas na 2019 na edisyon ng biennial meet, humakot ang mga Pinoy tracksters ng 11 gold medals, sa pamumuno nina Kristina Knott, EJ Obiena, Eric Cray, Clinton Bautista at William Morrison.
Ayon kay Juico, determinado silaņg panþayan o kung kakayanin ay lagpasan ang nakaraan nilang tagumpay kaya kinakailangan nilang simulan ng maaga ang kanilang preparasyon.
Naglaan na sila ng budget na P1 million kasama na doon ang accommodation, pagkain at mga pangunahing pangangailangan ng mga kalahok sa training na pangungunahan nina marathon champion Christine Hallasgo at decathlon titlist Aris Toledo.
“Well, back in 2019, we also started our training camp around April or May and we had great results,” ayon pa kay Juico.