Ni NEIL PATRICK NEPOMUCENO

KATATAPOS pa lamang ng pelikulang Tililing, ni actress-vlogger Donnalyn Bartolome ay panibagong proyekto naman ang haharapin niya, ang tree-planting project sa pamamagitan ng kanyang charity organization, ang Influence Us.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Through “Influence Us,” kasama ni Donnalyn ang ilan pang donors na tutulong sa pangangalap ng pondo sa panahon ng kalamidad. Para naman sa kanyang tree-planting project, gagamitin niya ang nakalap na halagang P1,083,418.

Inanunsiyo ito ng vlogger sa kanyang Instagram kasama ang ilang photos ng kanilang mga nakaraang charity work with the caption:

“All that subscribing and not skipping ads will all be worth it! I remember the stress of knowing that I can’t do anything more than I did but cry for the people affected. I knew you guys felt the same so I collected donations through my (YouTube) revenue and other ways so if you’ve subscribed and watched my videos (then) YOU HAVE DONE SOMETHING,” pagbabahagi ni Donnalyn.

Hindi pa inaanunsiyo ang schedule ng tree-planting project, pero para sa mga nais makiisa sa proyekto ng organization maaari silang i-message sa @influence_us.ph.