SUBIC – Ginapi ng Davao Occidental- Cocolife ang San Juan Go-for-Gold, 66-58, sa game 3 ng Chooks-to-Go MPBL Lakan best-of-five title series nitong Sabado sa Subic Bay Gymnasium.
Matikas na bumalikwas ang defending champion sa krusyal na sandali, ngunit sapat ang lakat at determinasyon ng Davao Tigers para selyuhan ang panalo at kunin ang 2-1 bentahe sa serye.
“Our defense came through. We gave only 58 points and if we can play defense like this, we have a big chance,” pahayag ni Davao head coach Don Dulay.
Nanguna si Billy Robles sa Davao sa naiskor na 13 puntos, walong rebounds, apat na blocks, dalawang assists, at isang steal. Hataw sa San Juan si Mike Ayonayon na may 16 puntos.
Tatangkain ng Tigers na tapusin ang serye sa pagpalo ng Game 4 Linggo ng hapon.
Iskor:
Davao Occidental (66) - Robles 13, Mocon 11, Custodio 10, Yee 7, Gaco 7, Calo 6, Ludovice 6, Terso 3, Saldua 2, Balagtas 1.
San Juan (58) - Ayonayon 16, Wilson 12, Wamar 8, Rodriguez 6, Isit 5, Clarito 5, Reyes 4, Pelayo 2, Aquino 0, Gabawan 0, Tajonera, Marquez, Estrella 0.
Quarterscores: 15-14, 41-27, 52-42, 66-58.