May 21, 2026

Home BALITA National

Ombudsman Remulla, nagbabala sa mga ‘di magbibigay ng SALN!

Ombudsman Remulla, nagbabala sa mga ‘di magbibigay ng SALN!
Photo courtesy: Contributed Photo

Tila nagbabala si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla para sa lahat ng mga hindi magbibigay sa kanilang tanggapan ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) na mga kongresista, House Secretary General, at Deputy Secretary General. 

Kaugnay ito sa hindi umano hindi naging pagsunod sa kanila ni Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada, Jr., na ibigay ang SALN nito. 

Ayon sa isinagawang press conference ni Remulla sa Office of the Ombudsman nitong Lunes, Abril 6, 2026, sinabi niyang matagal na raw kasing umiiwas kanilang tanggapan ang mga secretary general ng Kongreso na magbigay ng kanilang SALN. 

“Pero ang secretary general kasi matagal nang umiiwas na ibigay sa amin ang nire-request nating mga SALN,” pagsisimula niya. 

Ani Remulla, maituturing umanong problema kapag hindi susunod sa kanilang kautusan ang mga miyembro ng Kongreso. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ito po ay magkakaroon na tayo ng medyo problema sapagkat ito po ay tungkulin nila na sumusunod sa kautusan ng Ombudsman,” diin niya. 

Dahil umano rito, ipag-uutos ni Remulla simula sa darating na Martes, Abril 7, 2026, ang pagpapadala ng subpoena sa lahat ng mga mambabatas, House Secretary General, at Deputy Secretary General para maibigay sa kanila ang SALN ng mga ito. 

“Kaya ngayon, lahat ng congressman, hinihingi na po namin ang mga SALN noong sampung taon ay kung gaano katagal man sila sa Kongreso,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Lahat po ng secretary general sa nakaraan mula sa sampung taon na, hanggang sa mga deputy secretaries generals, hinihingi din po namin ang kanilang mga SALN.” 

Babala ni Remulla, huwag daw magkakamali ang mga nabanggit na hindi sumunod sa kanilang kautusan dahil hindi sila papayag na balewalain ng mga ito. 

“Bibigyan pa namin sila ng subpoena bukas at sana ‘wag silang magkakamaling humindi sapagkat na hindi po kami papayag na hindi sila mag-comply sa kautusan,” pagtatapos niya. 

MAKI-BALITA: Ombudsman Remulla, ibabala para maisumite SALN ni VP Sara sa House Committee on Justice