ni Marivic Awitan
PANGANGASIWAAN ni dating Ateneo Lady Eagles star Dzi Gervacio ang volleyball program ng Far Eastern University sa pagbubukas ng UAAP.
Opisyal ng itinalaga si Gervacio bilang in charge ng indoor at beach volleyball programs ng FEU.
“I am their volleyball program head for both high school and seniors,” sambit ni Gervacio sa panayam ng The Game nitong Miyerkules ng gabi.
Bahagi si Gervacio ng tinaguriang Ateneo’s Fab Five, na syang nasa likod kung bakit umangat ang volleyball program ng unibersidad sa kasalukuyan nitong estado.
Wala sa kanyang plano na mapunta sa FEU dahil ang talagang balak nya pagkatapos magwagi ng bronze sa beach volleyball noong 2019 Southeast Asian Games ay magtungo ng US para sana kumuha ng kanyang master’s degree.
Subalit lahat ay binago ng dumating ang coronavirus pandemic.
“The plan was pre-COVID to fly to the US for my masters. But then COVID happened,” ani Gervacio na isa sa mga founders ng Beach Volleyball Republic.
“Practicality-wise, I had to fly back home. Sir Mark Molina and Sir Anton Montinola reached out if I can join their volleyball program.”