ni Nitz Miralles
Napa-check kami sa post ni KC Concepcion sa Instagram dahil sa comment na nasobrahan ang filter sa lips niya at obvious na kumapal ang kanyang labi.

May nag-comment pa na ginagaya ni KCsi Khloe Kardashian dahil sa kanyang protruding lips. May nagtanong pa nga kung ano ang nangyari sa kanyang lips.
May nabasa pa kaming comment na gusto nila ang dating lips ni KCat lalong mas gusto nilang less make-up ang dalaga. Hindi na raw nito kailangan ng makapal na make-up dahil maganda na siya.
Hindi na sinagot ni KCang “ingay” na dala ng kanyang lips at ang sinagot ay ang comment na para siyang drag queen sa make-up niya. Sagot ni KC, “Lol drag queen are amazing.”
Hindi nabasa ng mga nag-react na netizens ang caption ni KCsa kanyang post na may shoot siya that day, kaya kinailangang ang ganu’ng klase ng make-up. Baka naman bukas o sa mga susunod na mga araw ay normal na uli ang lips niya