NEW YORK (AP) — Hataw si Kyrie Irving sa naiskor na 34 puntos, habang naitala ni James Harden ang ika-10 triple-double ngayong season, sa panalo ng Brooklyn Nets laban sa katropang Knicks, 117-112, nitong Lunes (Martes sa Manila).
Tumapos si Harden na may 21 puntos, 15 rebounds at 15 assists sa kanyang unang laro laban sa Knicks mula nang lumipat sa Brooklyn may dalawang buwan na ang nakalilipas at patibayin ang Nets bilang isang title contender.
Nag-ambag si Jeff Green ng 20 puntos para sa ika-13 panalo sa huling 14 laro ng Nets, sa kabila ng patuloy na pagkawala ng isa pang star na si Kevin Durant bunsod nang strained left hamstring.
Nanguna si Julius Randle sa Knicks na may 33 puntos, 12 rebounds at anim na assists.
BUCKS 133, WIZARDS 122
Sa Washington, nagsalansan si Giannis Antetokounmpo ng 31 puntos, 15 rebounds at 10 assists para sa ikatlong sunod na triple-double at sandigan ang Milwaukee laban sa Washington.
Kumasa si Bradley Beal para sa Wizards sa naiskor na 37 puntos, habang tumipa si Russell Westbrook ng 23 puntos at season-high 17 assists.
CLIPPERS 109, MAVERICKS 99
Sa Dallas, ginapi ng Los Angeles Clippers, sa pangunguna ni Kawhi Leonard na may 22 puntos, ang Dallas Mavericks. Nag-ambag si Marcus Morris Sr. ng 14 puntos sa unang pagkakataon bilang starter.
Nanguna si Luka Doncic sa Mavs na may 25 puntos, 16 assists at 10 rebounds sa Dallas, habang kumana si Kristaps Porzingis ng 22 puntos.
Sa iba pang laro, namayani ang San Antonio Spurs sa Detroit Pistons, 109-99; dinurog ng Denver Nuggets ang Indiana Pacers, 121- 106; tinupok ng Phoenix Suns ang Memphis Grizzlies, 122-99;