ni Leandro Alborote

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang lalaki na nanaksak ng nakaalitang binata habang nanonood ng larong pool sa Zone 4, Barangay San Isidro, Tarlac City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Paul T. Pariñas, investigator-on-case, ang biktima ay si Jonathan Mabuti, 21, construction worker, habang ang suspek ay si Jerwin Espinosa, 31, may-asawa, kapwa residente ng nasabing barangay. Napag-alaman na habang sina Mabuti At Espinosa ay nanonood ng laro ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa sigawan. Umuwi ang suspek sa bahay nito at pagbalik niya ay nakipagsuntukan sa biltkma hanggang sa sinaksak.

Isinugod sa Ramos General Hospital ang biktima hanang mabilis na tumakas ang suspek na kinasuhan na ng frustrated homicide.

National

PBBM, bukas sa pakikipag-dayalogo sa labor groups para sa umento sa sahod – Usec. Castro