ni Nitz Miralles

 ANG daming kinilig sa message ni Tom Rodriguez sa GF niyang si Carla Abellana kung saan, nag-assure si Tom na hindi sila maghihiwalay ni Carla.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Ginamit ni Tom ang song ni John Legend na Never Break bilang introduction sa kanyang mensahe sa pinakamamahal.

“Never Break (John Legend). I’m in a mood... So even though I haven’t really learned this song yet, it still meant so much to me that I just had to give it a crack (meaning my voice cracking/breaking) @carlaangeline I know our path together isn’t just rosebushes and lilies... but with the Lord between us, may we never forget what truly matters and like the reeds that bend with the breeze... may we too, NEVER BREAK!”

May pa-Valentine’s Day feels ang message ni Tom kay Carla at ‘yung mga nakabasa, kahit hindi sila si Carla, kinilig at wish din nilang maging forever na ang relasyon ng dalawa.

Anyway, final week na ngayon ng Love of My Life ang primetime series na isa si Carla sa mga bida. Isa sa pinakamagandang series ng GMA-7 ang LOML at ang huhusay ng cast, kaya marami ang sumusubaybay.

Ipinakita ni Carla ang husay niyang aktres dahil kayang-kaya niyang mag-shift na bida to kontrabida at balik sa pagiging bida. Ang request ngayon ng fans nina Carla at Tom, bigyan uli ng teleserye ang dalawa, yung pang matagalan dahil sa LOML, may special participation lang si Tom at namatay ang karakter sa gitna ng story