ni Annie Abad

HUMAKOT ng tatlong ginto at tatlong silver medals ang mga pambato ng Philippine Gymnastics Team sa 2021 Tavazsi Kupa kamakailan sa Budapest, Hungary.

Nadomina ng 17-anyos na si Daniela Reggie de la Pisa ang paboritong Hoop at Clubs, habang pumangalawa sa Ribbon category ng pamosong torneo, habang nasungkit ni Breanna Labadan ang ginto sa Club events at dalawang silver sa Ball at Ribbon class.

Ang tagumpay ay ikalawang sunod ni Dela Pisa sa international meet matapos magwagi ng dalawang ginto sa Santa Fe Budapest Hungary meet nitong Disyembre. Kabilang ang Cebuana star sa mga atletang namayagpag sa 2019 Southeast Asian Games sa napagwagihang isang ginto at dalawang bronze. Ang batang si de la Pisa ay isa din sa mga inaasahang ibabandera ng bansa para sa nalalapit na 2021 Vietnam SEA Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang ang gymnastics sa ipinapalagay na makapagbibigya ng unang Olympic gold sa bansa sa katauhan ni Carlos Yulo – tanging Pinoy gymnasts na kwalipikado sa Tokyo Olympics sa Hulyo.