ni Annie Abad

BALIK ensayo na ang lahat ng miyembro ng Philippine Team na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa bubble set up sa New Clark City sa Capas, Tarlac at sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ipinahayag ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at chief executive officer Vince Dizon na pinabaknate na niya sa Department of Health ang lahat ng quarantine centers sa Marso 31.

Ang dating lugar na ginamit sa hiosting ng SEA Game snitong 2019 ang magsisilbing tahana ng mga National athletes para sa kanilang paghahanda sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Please be informed that we are set to cease operations of the quarantined facilities located within the New Clark City and Clark Freeport Zone by Mar. 31,” ani Dizon sa kanyang liham kay DOH Secretary Francisco Duque III.

Sa naturang venues inihatid ng gobyerno ang halos 14,000 pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) kasama ang 3,600 OFWs.

“This will provide ample time for BCDA to prepare our facilities for the training bubble of our national athletes at the Aquatics Center and Athletics Stadium, which will start on Apr. 15. The said training bubble shall be conducted in preparation for the 2021 Vietnam SEAG,” ani Dizon