Ni DANTE A. LAGANA

Nagsalita na rin sa wa­kas ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa breakup nila ni Bea Alonzo at relationshi status nila ni Julia Barretto.

Tsika at Intriga

Rendon kay Yanna: 'Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo!'

Ang one on one interview ni Gerald sa Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ay ipinost sa You­tube Channel ng huli na “The Boy Abunda Talk Channel.”

Sa tagal ng pananahimik ni Gerald sa mga issue noong hiwalayan nila ni Bea hanggang sa issue ng na­muong relasyon nila ni Julia, hindi siya tinantanan sa social media kung ano ba talaga ang nangyari. Kahit sino pa man ang mag-udyok noon na magsalita na dapat si Gerald ay nanatili itong tahi­mik. Pero tanging kay Boy Abunda nag-tell all ang kontrobersya na aktor or else never itong magsasalita.

Nilinaw ni Geral ang tungkol sa ex-girlfriend niyang si Bea. Wala raw nangyaring ghosting o yung tipong biglang nawala.

“Ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner and nagdecide akong magwalk out and hindi na magpapakita kahit kailan. Yun ba ang definition? Is it walking away from a very unhealthy, toxic not saying siya (Bea) ang toxic. But being together we were very toxic at hindi nireres­peto yung explanation na binibigay mo hindi tinatanggap. After months and months and months and months and months of being on the rock at medyo away. You know I’m just gonna leave with that,” lahad niya.

Sa pagtatapos daw ng relasyon noon nila ni Bea ay inamin niya na maraming pakikipag-usap ang na­ganap sa kanilang dalawa.

Ipinahiwatig ni Gerald na hindi siya naging masaya kay Bea taliwas sa sinabi niya ngayon na very happy siya because of Julia.

Kita sa mga mata ni Gerald ang kasiyahan nung banggitin niya ang pangalan ng aktres. So it is a yes for Julia. Ano kaya ang pakiramdam ni Julia ngayong nagsalita na si Gerald tungkol sa kanilang dalawa?

Well, it is a no naman daw sa mga netizens ang naganap na pagpapaint­erview ni Gerald. Dahil patuloy na binabash o pinupukol siya ng tuligsa sa mga comments sa Facebook Page ni Boy Abunda.

Matagal na raw nilang alam ang tungkol sa kanila ni Julia. Ano raw ba ang bago? Malamang ang tanong ng karamihan ano kaya ang reaksyon ni Bea dito? Abangan.