PINAGHARIAN ni Ivan Travis Cu ang katatapos na Arena Grandmaster Christian Gian Karlo Arca 12th Birthday Celebration online rapid chess tournament na ginanap sa lichess platform.
Nakakolekta ang San Juan City bet Cu ng six points mula sa six wins at one loss sa seven outings sa event na inorganisa ng Mobile Chess Club Philippines Libangan Team. Naitala ni Cu ang importanteng panalo kontra kina Princess Simbajon sa first round, Joshua Mallari sa third round, Jian Carlo Rivera sa fourth round, Christian Tolosa sa fifth round, Oshrie Jhames Reyes sa sixth round at Al-Basher Buto sa seventh at final round. Nalasap niya nag-iisang pagkatalo sa kamay ni of Arnel Mahawan Jr. sa second round.
“I knew that this was a tough tournament with all the players. I just tried to play my best and now I am really happy,” sabi ni Cu na nagkampeon din sa 1st Jessie Villasin Cup online chess tournament na ginanap sa lichess platform nitong Pebrero 13, 2021.
Ang 12-year-old na si Cu na grade six pupil ng Xavier School na nasa guidance ni coach Rolly Yutuc ay tinalo si Oscar Gao (elo 1595) ng Australia sa eight at final round tungo sa second place sa Boys 10 and under para tumapos ng 2nd place sa Boys 10 and under ng 36th Singapore National Age Group Chess Championships na ginanap sa Expo MAX Atria nitong Dis. 27–30, 2019.