ni Zea Capistrano

Binalaan ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang mga residente nito noong Martes, Pebrero 23, tungkol sa pagkakaroon ng red tide toxin sa mga baybayin ng munisipalidad.

Sa isang advisory na nai-post sa kanilang Facebook page, sinabi ng pamahalaang lokal ng Hinatuan na lahat ng shellfish at alamang na nakolekta mula sa baybayin ng Hinatuan, kabilang ang Lianga Bay ay “not safe for human consumption.”

Ibinahagi din ng pamahalaang lokal ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ‘(BFAR) Shellfish Bulletin Advisory No. 04 Series of 2021 na may petsang Pebrero 15, 2021.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Sinabi ng BFAR na batay sa huling laboratory results “shellfishes collected at Coastal waters of Inner Malampaya Sound, Taytay in Palawan; Sorsogon Bay in Sorsogon; Coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol; Tambobo Bay, Siaton in Negros Oriental; Coastal waters of Daram Island, Zumarraga, San Pedro and Cambatutay Bays in Western Samar; Coastal waters of Calubian, Leyte, Carigara Bay, and Cancabato Bay, Tacloban City in Leyte; Coastal waters of Biliran Islands; Coastal waters of Guiuan and Matarinao Bay in Eastern Samar; Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur; Balite Bay, Mati City in Davao Oriental; and Lianga Bay and Coastal waters of Hinatuan in Surigao del Sur are still positive for paralytic shellfish poison that is beyond the regulatory limit.”

“Moreover, Ormoc Bay in Leyte is now positive for red tide toxin,” dagdag dito.