HINDI lahat ng artista ay mananatiling mabango sa showbiz. At kahit ang tulad ni Alex Gonzaga na isang matagumpay na comedienne, entrepreneur at vlogger ay hindi nakasisiguro sa magiging katayuan sa digital era.
Kaya’t ngayon pa lamang, naglalaan na ang nakababatang kapatid ng singer-actress na si Toni ng sariling ‘pondo’ para magamit sa panahon nang kagipitan, higit at lumagay na rin siya sa estado na magbuo ng sariling pamilya.
Nito lamang Nobyembre – sa gitna ng paglaban sa pandemic – nagpakasal si Alex sa matagal ng nobyo na si Mikey Morada, isang negosyante at kasalukuyang City Councilor ng Lipa Batangas.
“I have to be wiser in my investments, I have to be wiser in spending money, need na mas maingat sa mga desisyon kasi I no longer just have to look after myself at mga needs ko, may sarili na ako ngayong pamilya and di na naman uso na dapat bilang maybahay ay iaasa natin buo ang kinabukasan sa mga asawa natin di ba?”
Ngunit, sa panahon na sadyang nalagay sa kagipitin, may Villarica Pawnshop na magiging katuwang ang pamilyang Pilipino.
“Dati kasi pag nasaisip ko pawnshop, ibig sabihin nun sangla, parang utang ba na may collateral kasi short ka sa pera, negative ang dating,” pahayag ni Alex.
Ayon kay Alex, ang negatibong pananaw sa sanglaan ay tunay na iniba ng panahon.
“I learned so much more that the industry pala ng pawnshop has transformed. Naging paraan na sila para maka-access ang mga Pilipino sa mga lugar na di nararating ng mga bangko sa mga serbisyo na parang pang bangko na rin. They offer such a wide range na service, sila Villarica pala ay ka tie-up na rin ng mga bangko, na nag po-provide na rin sila ng mga paraan para makakuha ng karagdagang pondo para sa mga negosyo ng mga tao,” pahayag ni Alex.
“Right now, people need to realize na dapat pondohan nila ang mga sarili nila, na pwede rin naman magsimula ng maliit nanegosyo, maging entrepreneur,” pahayag ni Alex. “And si Villarica, believe it or not can help them with that, among other things.”
Sa kabuuang 500 branches sa buong bansa, nangunguna ang Villarica na nagbibigay ng mataas na ‘appraisal value’ sa mga alahas at kagamitan, at pinagkakatiwalaan sa money remittance (cash padala).
Marami pang serbisyo ang hatid ng Villarica at para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.villaricapawnshop.ph. Edwin Rollon